"It's more fun in the Philippines" ito ang slogan na ginamit ng bansang pilipinas upang makapang hikayat ng mga turista na magpunta, magbakasyon at magsaya sa ating bansa. Hinihikayat din nito na makita ng mga pupuntang turista sa ating bansa na makita ang mga magagandang tanawin na ating ipinagmamalaki, ang mga kulturang pilipino, mga ugali ng mga pilipino, masasarap na pagkain na matitikman sa ating bansa at iba pang maipagmamalaki ng mga pilipino. Ang isang sikat na pasyalan dito sa ating bansa ay ang boracay beach. Maraming tao ang pumunta dito tuwing summer, mga tao sa ating bansa at mga turista. Mayroon kasi ditong buhangin pinong pino, marami sa mga pumupunta dito ay ito ang kanilang na gustuhan. Kapag summer marami ding mga artistang naririto upang gumawa ng patalastas o pelikula. Ang isa pang magandang tanawin sa bansang Pilipinas na tiyak na maipagmamalaki ay ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao ginawa ito ng mga ninuno natin upang gawin hagdang hagdang palayan. Ang Boracay Beach at Banue Rice Terraces ay isa lamang sa patunay na maganda sa pilipinas, na bagay na bagay naman sa slogang "Its more beautiful in the Philippines". Maraming masasarap na pagkain sa Pilipinas. Mayrong din tayong mga pagkaing wala ang ibang bansa, kaya ang ibang tao ay dumadayo pa sa Pilipinas upang matikman ang mga masasarap at kakaibang pagkain na dito lang matitikman sa Pilipinas. Maraming prutas din ang masasarap na nasa ating bansa ang isa na dito ay ang strawberry na makakita sa Baguio. Meron din namang masasarap na pagkain ang hinahain sa hapagkainan, tulad na lamang ng kaldereta na makikita sa parteng Luzon. May masasarap na bibingka at puto bungbong na iniluluto na hudyat ng papalapit na araw ng pasko. Ang mga pilipino ay mahihilig din sa matatamis tulad ng cake, ice cream, chocolate at iba pa, ang mga ito ay patunay na "It's more tasty in the Philiphines". Iba-iba rin ang ugali ng nating mga Pilipino halimbawa dito ay ang ating pagiging madamdamin, delicadeza, pagbabahala na, pagbabayanihan, matinding pagbuklod-buklod ng mag-anak, pagiging mahiyain, pagkakaroon ng utang na loob, palabra de honor at ang amor propio. Ang pagiging madamdamin ay marami sa ating mga Pilipino, kahit sa kaunting sakit lang ay masyado na tayong nagdaramdam. Ang delicadeza naman ay ang isang ugali na kailangan na dapat gawin ng isang tao na kumilos ng tama at nasa lugar. Madalas din naman tayong magbahala na sa mga bagay bagay. Pagbabayanihan naman ay ang pagtutulungan ng bawat isa. Madalas din sa satin ang pagiging mahiyain at pagkakaroon ng utang na loob. Ang amor porpio ay ang pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang sariling dignidad. Ang palabra de honor naman ay ang isang salitang dapat tuparin.