Picture
                  Liwanag sa Ulap
                        
                          May mga bagay na gusto nating abutin o katuparan ng isang pangarap.May mga bagay din                                          naman ayaw nating  mapagdaanan o marating.Mayroon din namang mga bagay ang ating hinahangaan at kinaiinggitan,tulad nalamang ngliwanag sa ulap ang liwanag na ito'y napakaganda nakamamangha.Parang isa itong artistang sikat na ating tinitingala odi kaya naman ay isang "magician" na ating hinahangaan. Napakarami ng bagay na maihahalintulad dito sapagkat para sa akin ito'y perpekto.
                         Sa maliwanag na ulap na ito'y mistulang may isang palasyo o kaharian. Itoy parang palasyo ng kapayapaan. Ditoy napaka tahimik mayroong pagkakaisa at maayos na pakikitungo sa isat isa. Ditoy puno ng pagtutulungan at pakikipagkapwa, halos lahat na yata ng mga katangian ng lugar kung saan mo gustong manirahan ay nandito na. Akin ng aaminin totoong gusto kong manirahan dito, ngunit sa isang estudyanteng katulad ko ay hindi kayang marating dahil akoy hindi nararapat sa palasyong ito sa pagkat wala sa akin ang mga katangiang naririto, tulad na lamang ng maayos na pakikisama sa iba. Hindi naman tayong lahat ay perpektong binuhay ng diyos.
                         Likas sa ating mga pilipino ang humanga at mainggit, dapat lang din naman na tayo'y maging mabait at magkaroon ng magandang asal, kaya tayo nasa mundo ay upang harapin at subukin ng diyos sa mga hamon na ihaharap niya sa atin. Kaya't tayo na't maging mapagkumbaba, dahil sabi nga ng diyos " ang mga magmamataas ay aking ibababa ang mga tao namang nagpapakumbaba ay aking itataas" pati na rin ang pagiging mapagbigay, dahil sabi nga ng diyos ay bigyan natin ang mga nangangailangan. Alam kong alam niyo kung ano ang sinasabi kong liwanag sa langit, kayat kung maaari ay gawin nating ang mga pinayo ko upang sa huli ay hindi tayo magsisi.